Home

Advertisement

Customize

Previous 20

Nov. 30th, 2009

What's the saddest thing?

(no subject)



**That's John Lloyd and Bea...hehe. They star in this movie called "One More Chance", which was commercially-released by Star Cinema in 2007. The movie was that year's biggest selling. It also placed the 2 actors in the A-list category in terms of box-office figures.

Naku, kahit ilang beses ko nang napanuod tong movie na to, me kagat pa rin yung mga eksena sa akin. Óne can't help but connect with the scenes, dialogues, pains, outbursts of happiness, at kung anu-ano pa na pinagkasya nila lahat sa pelikula pero hindi nagmukhang champoy ang ending.

The movie tells a story about 2 people who are destined to end up with each other, pero bago mangyari yun, meron muna silang pagdadaanang challenges that would solidify what they had. Siguro kasi, ang dali nilang nakarating sa kung anuman meron sila at that time, kaya si Bro, me ni-planong malaking issue para i-test if they really want each other back, and if they do, do they still deserve each other?

Sa daming beses ko nang napanuod tong movie na to. Karamihan ako lang mag-isa, dyahe kasi na mas todo pa ang iyak mo sa mga bida sa pelikula. Minsan naman, I invited a few friends over, and sabay sabay kaming nanuod. Pero kahapon, kami lang ni C ang audience. Nung una,he was bullying me pa, kasi nga ilang beses ko nang nakita to. Tapos ayaw nyang umiyak ako because I was already struggling with the sipon and the ubo brought about by the flu. Pero kamukat mukat mo, habang nagpe-play yung movie, nakinuod na din siya, at nakiki-comment, at maya maya ay nakikiiyak.

Siguro for people, or couples, who are going through a slight shift in their relationships, magandang movie to para i-gauge nyo ang bawat isa, or at best, ang sarili nyo. Pagkatapos ng movie, pupungas pungas pa, we sat down and ate what was left of the spam and the pandesal that we had for breakfast, and talked about our previous relationships. We talked about the pains, the learnings, the crazy antics we did to win our former partners back, the sacrifices, lahat, lahat ng ginawa namin para lang maka-kapit pa ng kahit sandali lang sa kung anuman meron kami at that time.

Ang nakuha ko, from my conversation with C, and from the movie, is that -- kung hindi ukol, hindi bubukol.

Naku, kahit anu yatang pagpapabibo ang gawin mo, if Bro thinks na hindi mo pa siya deserve sa moment na to, hindi siya talaga mangyayari.

Kaya nga ako, hindi man ako relihiyoso, pero naniniwala naman ako sa chance. Sa luck. Sa fate. Sa karma. Naniniwala ako na merong isang mahiwagang force na merong master plan para sa ating lahat. Ang usapan na lang is, kung gaano ka ka-patient para maghintay.

Nov. 25th, 2009

What's the saddest thing?

(no subject)



**Wooopeeee, one of my fave plays will be staged in Manila on Feb 2010. This is definitely something to look forward to. The final cast has
Gian Magdangal as Roger, Fred Lo as Mark, Laurel Asensio / Cara Barredo as Mimi, OJ Mariano as Tom, Carla Guevara-Laforteza as Maureen, Noel Rayos as Benny, Job Bautista as Angel, and Jenny Villegas as Joanne. The ensemble will have Gugi Lorenzana, Johann Dela Fuente, Raul Montesa, Gary Junsay, Ring Antonio, Peachy Atilano and Anna Santamaria as members.

Ticket prices are:

Orchestra Center - Php 1,700
Orchestra Side - Php 1,600
Loge Center - Php 1,400
Loge Side - Php 1,100
Balcony - Php 800

To reserve your tickets, you may email rent.manila@gmail.com or you can text 0908-132-7858 (Anj). Please include the following details:
you may email rent.manila@gmail.com or you can text 0908-132-7858 (Anj). Please include the following details:

  • Name
  • Contact number
  • Email address
  • Preferred Seat Number(s)
  • Payment method
  • Preferred ticket claim method

Im exciteeeed.

Nov. 24th, 2009

What's the saddest thing?

(no subject)


**Spent my 2nd night of off watching "Love Story". This is the 1970 movie adaptation of Erich Segal's equally successful novel. The movie was that year's highest grossing film. Ang sabi, it actually saved Paramount Pictures from closing shop. Ali Mc Graw was ethereal in this film. She has had several movies (of which, The Getaway, with Steve McQueen, whom she later married, was another blockbuster). Ali was a photographer's assistant as well as a model before she ventured into acting. Ali was the first and only choice to play the role of Jennifer Cavilleri. She was 32 when she shot the film. The character was 10 years younger. Ali is one of the major movers of the Yoga practice. Ryan O'Neal's role as Oliver Barrett III was declined by Michael Douglas, Jon Voight among other A-list actors at that time. Ryan's career as an actor did not prosper. He was only made famous by his association with actress and original Charlie's Angels Farah Fawcett. The movie received a total of 7 Oscar nominations, including citations for Best Actor and Actress, but won only one, yun ay para sa musical scoring para sa theme song ng movie, kung saan ang nakaka-haunt na theme ng pelikula was being played in the movie's vital scenes played in a piano. The DVD of this movie is on sale sa Astrovision. Nung una nga, dapat yung "Closer"ang bibilhin ko but changed my mind when I saw this. Sobrang nakakaiyak. It is definitely worth my P199.

**Naisara ko na finally ang episode ng minsan na makita kong nilalait ako ng ex ni C sa Facebook. One time kasi while they were chatting, I saw a line in one of their conversations na the ex was saying "nakita ko na pic nya, ang panget naman!". Syempre na-offend ako. Kasi unang una, HINDI AKO PANGET. Leche siya, hahaha! Pangalawa, hindi ako nakikipagkumpetensiya sa mga exes. Hindi ako bababa sa ganung lebel. Me dahilan kung bakit sya iniwan, at ayaw nang balikan, kaya keber. Pangatlo, hindi naman siya kasing gwapo ni Papa P para kainsekyuran ko.

**So kanina, pagdating ni C from work, I told him that his ex viewed my FS account. Sabi niya, wag daw pansinin. Inaway daw nya coz nilait nga ako. So eager as I was (although I played it very safe, kunwari partially interested lang...), I asked him why, wala lang daw, sinabi lang daw na magbalikan na lang sila, na hindi naman daw kami bagay. So I asked again what he told the ex, sabi niya "hindi sayo manggagaling kung b agay kami o hindi, hindi sayo manggagaling kung anong klase sya ng tao, because frankly, he is waaay above your level, hindi mo siya kakayanin, not even 1%". So with that, I hereby close this issue inside my self. Hehe.

**Aaaargh! Me pasok na mamaya!!!
Tags: ,

Nov. 23rd, 2009

What's the saddest thing?

(no subject)



**The Movie 2012 was made more fun and a joy to watch because of Johann Urb. Para siyang si David Beckham sa screen. In totality, the movie did not fail to deliver what it's target audience was expecting. Andun yung kaba, takot, pagiging tao, me kurot sa puso. Sabi nga ng officemate ko me plano sana siyang iwan yung boyfriend nya to go shopping when they go on tour January next year, but after watching 2012, gusto daw niya magka-kabit na lang sila lagi. Yun yon eh. Hehe.

**I am addicted to the game "Bejeweled"na lately ko lang natagpuan sa Facebook! Hala.

**Malayo pako sa pag-kumpleto ng christmas gifts ko. Tatlong tao pa lang ang nabibilhan ko ng regalo.

**Panget ang production value ng launch ng Starstruck 5. Pumuputok sa katabaan si Raymond Gutierrez. I don't like him, seriously. I don't like his twin brother either. Ilang beses kinain ni Carla Abellana ang mga words nya. The cameras were not nice to the contestants, kasi habang ipinapakilala sila, ibang mukha ang nasa TV screen. OA at TH ang mga contestants na kinuha pa nila sa ibang bansa. Sa US nga, hindi masyadong alam ng mga tao ang Starstruck search. Nahihirapan pa rin kasi ang GMA to reach Filipinos globally, yun ay dahil sa wala silang overseas arm katulad ng TFC. Sa account nga namin, 1% lang ng Pinoy customers namin ang me PinoyTV (GMA's version of TFC).

**Nanalong 2009 CNN hero si Efren penaflorida. Yahoo!! Ilang libong votes din ang ginawa ko para maka-contribute. Me isang off ko na wala akong ginawa kundi bumoto sa kanya, not because the other contenders are not worth the award, but because Kuya Ef is a Pinoy worthy of every single vote that I cast. Kung sana kahit kalahati man lang ng pera ni pacman eh mapunta sa kanya at sa adbokasyon niya, naku, ang ganda nun.

Nov. 21st, 2009

Beckham's Back

Robmania



**The company sponsored an exclusive premiere of the movie New Moon. One cinema of the Alabang Town center was reserved for 2 showing hours, first one was at 7am, the 2nd was at 3pm. We went to the 7am, since my shift ended at 6am yesterday. Masaya sya. My friend Neil could not contain his yelps when Jacob took off his shirt for the first time in the movie. Hehe.

**Smile, C, Neil and I stayed awhile pa after the movie. We had breakfast in Northpark, then made a little shopping spree before finally going home. I was able to sleep around 12noon na. I woke up ng 10pm feeling lethargic. Nasobrahan ako ng tulog.

Nov. 17th, 2009

About Face

Randomness

**I had dinner with Karli and Ling yesterday. The food was not so great, I even forgot the name of the resto where we dined. Basta nasa Megamall Atrium siya, and the waiter boasted about a salad that came from Tessie Tomas. Friend daw kasi siya ng may-ari ng resto. Buti na lang mainam pa rin yung kwentuhan namen nina Karli and Ling na hindi na masyadong naging focus ang bland na pagkain. Mas nag-enjoy pa kami sa dessert sa DQ.

**Nakapag-open na ako ng payroll account sa Citibank. SA WAKAS!! I was promoted May 2009, and since then, our HR and payroll peeps had been bugging me to go to the nearest Citibank office and open an account. Sa kanila na kasi yung payroll ng managers. E ayoko sana kasi masaya talaga ako sa BDO account ko. Biruin mo, if ma-hassle ka sa haba ng pila, you can use it as EPS.

**Saturday night, some friends and I planned to go to this tiangge in BF. Kaso hindi kami natuloy kasi 9pm pa lang, nagsasara na daw yung iabng stalls. So kasama ko naman sila Smile and Neil kaya we decided to just watch 2012 sa Town. It was still early, mga 915pm, kaya we decided muna to go to some shops na bukas pa. Mga 10pm, we decided to buy tickets already, since kumpleto na ang cast ng mga sasama sa movie, ang kaso, "all seats taken" na sa tatlong sinehan ng 2012. Biruin mo, pati yung 1115pm na LFS, puno na din.

So we ended up scouring for a coffeeshop instead. Super full ang Starbucks. Someone suggested na lumipat kami ng Madrigal, pero naisip ko na panu kung puno dun, mas lalo kaming walang mapupuntahan. Ayoko naman sa Coffee Bean, wala naman kasi atang nagpupunta sa Coffee Bean eh! Hahaha! So sa kakalinga-linga namen, we saw that the area that used to be Seattle's Best is now Cafe Mary Grace. E close kami nyan ni Mary Grace, ching lang. Haha! Masarap ang hot chocolate sa place na yan, at masarap din ang lemon squares nila, lasang lemon.

**Sunday night, bumalik kami ni C ng Town. Kasi nga gusto talag naming paunorin yung 2012. Maaga kaming dumating ng Town, mga 9pm. Inisip namen baka wala nang tao kasi Sunday night, me mga pasok kinabukasan ang mga tao, pero wag ka. Nagkamali kami. Sa entrance pa lang, nadismaya na kami kasi ang haba na ng pila. Hindi na kami masyadong nalungkot when we were told sa counter na wala nang tickets.

Nag-decide na lang tuloy kaming maghanap ng makakainan. Fish & Co,. was tuned to CS9, showing the Pacquiao fight, so ayun, sa gitna ng fish, chips at carbonara, nanuod na lang kami ng laban ng boksingero ng bayan.

Nov. 9th, 2009

About Face

Random

Ang sarap matulog.
Kanina, I was supposed to attend a 9:30am group exercise, so I set my alarm at 9am. Pinatay ko lang siya nung tumunog and went back to sleep. I woke up around 11am at the sound of C preparing to go to the gym himself.
Sabi ko, "bakit di moko ginising?"...umismid lang siya hehe.

***************

We'll hold our company's christmas party on Dec 7th. Kakanta ang Urbandub at ang Sugarfree.
"Frostbyte"ang tema ng party, sabi sa mga posters, "think Harry Potter's Yule Ball". Ang requirement sa mga sasali sa dance contest, dapat mala-ice castle, o kaya happy feet, etc.
Striktong ipapa-tupad daw ang mala-frostbyte na attire, pero dahil sa Ondoy, naglabas sila ng additional attire suggestions, meron nang "Recessionista Fashion".

***************

Me relasyon yung cute kong agent na guy at yung cute kong agent na girl.
Me girlfriend si cute kong agent na guy for 8 years now na nagta-trabaho din sa Recruitment Unit namin. Maganda yung girlfriend nya, nakasama yung girlfriend sa mga Bench Ambassadors who walked the runway with Enchong Dee.
Me boyfriend at kakapanganak lang nung cute kong agent na girl. Hot yung boyfriend niya according to some photos na naka-display sa facebook account nya.
Two nights ago, me nakahuli sa kanila na nagki-kiss sa roofdeck ng building namen. Ikinakalat na nung nakakita kung ano ang nakita nya.
Sooner or later, lalaki ang issue na yan, at hindi malabong me magdagdag sa mga kwento.
Kagabi lang bago ako mag-off, me hipuan na daw na kasama.
Asus.

***************

Me superiority complex ang Supervisor ng reports team namen.
Kahit gaanong kaliit na favor lang ang hingin mo, gusto nya dokumentado. Kahit simpleng correction lang ng spelling gn pangalan mo sa report.
Sa gobyerno nya ata gustong manilbihan, hindi sa isang environment na paspasan ang kailangan para mabuhay ka.

***************

I asked one of my best buds to delete a status that he posted in his Facebook account. Isang text lang naman, and he deleted it right away. When he went to my house last night for dinner, sinadya kong hindi banggitin o hindi pag-usapan yung issue.
Pakiramdam ko kasi malalaki na kami para doon.

Mahal kita kaibigan ko. Sana hindi mo pagsawaan ang mga pakikialam ko, kasi madami pa yan. Hehehe.

**************

Nov. 8th, 2009

What's the saddest thing?

(no subject)



From a drab of being gaga to a shining, shimmering splendid trio.
Why nut.

Nov. 5th, 2009

Beckham's Back

Rain, rain go away...

Our dressdown days are over. Simula Tuesday night shift, we're back to wearing business casual. Kaya delikado na naman...mainit kasi mata ng mga holdaper sa mga nakabihis na mga commuters. lalo na't mga alas-9 o alas-10 ng gabi, fresh na fresh ka, amoy bagong ligo...

Kagabi lang, muntik na ata akong maholdap. Me suspicious-looking manong na pilit umupo sa tabi ko. Sa kabila nya was a pretty girl din. Ginawa ko, bumaba ako right after I saw the Jollibee branch sa me Madrigal. Pumasok ako sa Jollibee, kasi madaming tao, I stayed there for 3 minutes, pag labas ko, andun din yung pretty girl. She smiled at me and said na bumaba din daw siya kasi natakot din sya sa manong.

Sumakay kami ng jeep na sabay, turns out na sa Northgate din siya pumapasok, sa GE.

The other day naman, I went out of the house at around 430am para magtapon ng basura at bumili sana ng pandesal. C offered to go with me, pero galing sya ng shift kaya sabi ko ako na lang. Hindi pako nakakalayo ng building namin, me sumalubong saking lasing na manong, sabay sabing  "äabangan kita pagbalik mo!"...parang ako, "utang na loob kuya, magtatapon lang po ako ng basura!!!". 

Ang hirap na talaga ng buhay.

So ngayon, iniisip ko palagi na magdala ng bag. Tapos bibili ako ng pepper spray. Sabi ni C, bili na lang daw ako ng balisong, para saksak na agad, wag nang pepper spray pepper spray...

...ang sabi ko naman...


...violence is never an answer.



Naks!


Be safe everyone. 

Nov. 3rd, 2009

SATC

Christmas Spirit!!



This is my first ever Christmas tree.
At salamat, dahil bago mag-Pasko eh nakabili na ako ng PC, I can now download Christmas songs.
Most of my downloaded tunes kasi got lost when my house was burglarized last September 9th. Nakuha yung ipod ko and my laptop among other important stuff. 
Lilipat sana ako ng bahay, kaso Ondoy came and made me realize na ano ba naman yung mga nawala sa akin kumpara sa mga nawala sa mga naging biktima ng bagyo. So I stayed.
I'm looking forward to this Christmas. Hindi ko alam kung bakit, pero never pa akong naging as excited as this year. Hehe.

Aug. 15th, 2009

What's the saddest thing?

GMA na naman


Was browsing facebook when I saw this in a friend's page...




Kablag!
Tags:

Aug. 9th, 2009

What's the saddest thing?

Si GMA at si Wowowee



Sabi sa Page 6 ng NY POST Online Edition:

Arroyo dined for P1M in New York

Tsk tsk tsk....


Sa entertainment page naman ng Inquirer:


Willie Revillame unperturbed by TV ban move

Aug. 8th, 2009

What's the saddest thing?

At it again...

Sabi sa Inquirer ---

9 dead in floods,
slides due to ‘Kiko’
By Inquirer Northern Luzon and Inquirer Central Luzon

Sus, hanggang ngayon ang lakas pa rin ng dating ni Kiko hehe.
Tags:

Jul. 28th, 2009

What's the saddest thing?

INC Anniversary



Thousands thronged to the Rizal Stadium in Manila for the INC's 95th Anniversary celebration. I was an invited guest by friends who happen to be members of this religious group.

9am pa lang, nag-start na kaming pumila para makasakay sa bus na magdadala sa mga taga-Las Pinas sa Rizal Stadium. There were around 19 buses in total. Walang traffic papunta ng Roxas Blvd, ibinaba kami sa may tapat ng World Trade Center, sa parking lot ng Wensha Spa o ng dating Boom na Boom. Sabi sa amin, mga 4pm pa ang simula nung programa, kaya ang ginawa namin, nag-taxi na muna kami papunta ng Rob Ermita.

Nakapunta kami ng Rizal Stadium mga bandang alas-5 na. Kakasimula lang i-play nung message ni Obama.

Umuulan ulan na nung nagsimula yung actual na prayer rally. Good thing me payong kaming tatlo. I shared mine with an old lady. Grabe yung tao. Kahit umulan na, hindi sila natinag sa pagkakaupo.

Ganun pala yung mga activities na ganyan. Nung una kasi, sumama lang talaga ako because the people who asked me to go are closest to my heart. Tapos off ko naman. Nung papunta nga kami dun, me naging mainit pa kaming pagtatalo tungkol sa "faith". Ako agad kasi mismo ang aamin na hindi ako mahilig sa mga ganyan. Yung usapang bibliya, o kaya relihiyon. Ang personal ko kasing pananaw, mabait naman akong tao, wala akong ginagawang masama sa kapwa ko, tumutulong ako sa pamilya ko, mabait ako sa Nanay at Tatay, selfless ako. Pilyo ako minsan, mapanglait, pero hindi ako masamang tao. Kaya kung me Diyos man, nakikita nya yun, at ipa-pat on the back nya ako dahil dun.

Pero sa mga kaibigan kong ito, hindi pala yun lang yun. Dapat deeply embedded yung faith mo. Dapat lahat ng ginagawa mo naaayon sa nasusulat. Umabot pa yung usapan sa susunod na buhay. Kasi being close to them, they want na makasama daw nila ako sa kabilang dako. Kasi nakakalungkot daw isipin na ako mismo yung hindi nila makakasama pagdating ng panahon na huhusganahn ang bawat isa sa atin.

Ang akin naman...sus, kung yung life nga dito, ngayon, is complicated for me already, anu pa kaya yung "afterlife" kuno. Hindi ko kinukwestyon, hindi ko pinagdududahan, pero ang akin lang, hindi kasi ako pala-paniwala sa hindi ko nakikita. Pero ma-respeto ako sa mga taong matindi ang panata at pananampalataya. Bilib ako sa mga taong gumigising at nag-e-effort twice a week para sumamba. Para tuparin yung kung anu yung nasusulat.

I can't be like that. Pinilit ko dati. Sunday masses, catechism, sus, nangarap pa nga akong maging Pari. Wala lang kaming mahanap na sponsor nung
high school ako kaya hindi natuloy. Buong grade school at high school, ako ang leader ng rosary sa school kapag M-w-f. Kaya nga mataas ang grade ko sa Science, kasi si Ms. Guigawin ang adviser ng Religion namin sa school.

Pero habang tumanda ako, me mga na-realize ako eh. Hindi pala lahat ng taong maka-Diyos, mabuti. Hindi pala lahat ng sumasamba, tutulungan ka. In the end, tao pa rin sila. Me pag-iimbot. Me mga flaws. So being religious does not actually make one a better person. Ang mahalaga pala is yung kung anu yung nasa loob ng puso mo. Hindi sa yung kung anu yung binibigkas ng labi mo kasabay ng mga libo-libong tao. Hindi pala yung sa kung anu yung interpretasyon mo sa kung anu yung nasusulat. Ang mahalaga pala eh yung kung ano ang laman ng puso. What is in your heart makes you different. Makes you better.

Yun ang personal kong opinyon.

So ayun, mga 730pm kami umalis ng Rizal Stadium. Lumakas na ng todo yung ulan, pero kokonti lang ang mga natinag. Naglakad kami papunta ng La Salle. Sumakay ng bus pauwi ng Las Pinas. We were all quiet. Sila, dina-digest pa yung mga pangaral na nakuha nila sa event. Ako, nagwa-wonder kung bakit kailangang umiyak nung isang ministro habang nag-opening prayer siya. Madami naman akong narinig na nakaka-touch na opening prayer na hindi kelangang umiyak. Tapos na-realize ko ulit, siguro ganun lang talaga sa kanila. Kasi habang naglilitanya yung ministro, people around me were crying, habang sumasagot ng "Opo!" o "Amen!". At dahil outsider ako, nahiya ako, sa kanila for intruding, at sa sarili ko for being so judgmental.

Ang aral sa akin....hindi nako sasama sa 96th anniversary ng INC. Matutulog na lang ako sa bahay, o kaya manunuod ng tv. O kaya mage-LJ. Hindi nako makikipagtalo sa mga kaibigan ko tungkol sa faith, kasi nga, kanya kanyang trip yan. Ang nararapat, walang basagan.

My respect goes to those who are able to keep their faith. Dun sa mga may pinaniniwalaan. I wish katulad nila ako, pero yun nga, kanya kanya yan. Iginalang ng mga kaibigan ko yung punto de vista ko, at dahil dun, buong puso ko ring iginagalang ang sa kanila.

Yun na lang muna.
Tags:

Jul. 20th, 2009

Babel?

Pac-yu

Yung mga moments na sobrang binebenta ng local stations katulad ng ABSCBN yung worth nila na iniisip kong huminto sa panunuod ng local tv. Pag pinapili kasi ako between ABS and GMA, kung sino ang mas matino, I'd choose ABS ng walang gatol. They know how to hone talents. Marunong magsalita, magdala ng sarili mga artista nila, hindi katulad ni Marian Rivera na biggest star daw ng GMA pero bulagsak kung magsalita, parang kulang ng tuning.

Pero ang mga pinag-gagagawa ng ABS sa sarili nila, para lang masabing in sila, yung nakakainis na. I mean, makisakay ba talaga sa ka-cheapan ni Dionesia Pacquiao??!! Naman!

Tama nang umayos ang buhay nila dahil sa karir ni Pacman, okay na yun, pero para gawin talaga syang artista???!

Hay. Nakakalungkot, gusto kong maglaslas...

Jun. 22nd, 2009

Beckham's Back

Maxwell well well

ang aga namin dumating para sa john maxwell leadership seminar. Sa kaka-assume namin na ma-traffic sa slex, inagahan namin yung alis ng alabang. Ayan 8am andito na kami.

Nagluto ako ng sinigang kanina. Mamaya chicken curry naman. Sino gusto maging taga-tikim? Hehe.

Last week nagka-chismis na me flu virus daw sa southmall. Naasar ako. Kasi second home ko yun hehe...buti nlang hindi ako naniwala.

Jun. 7th, 2009

Beckham's Back

(no subject)


Nakakaasar yung huling panaginip na swerteng natandaan ko (because I don't usually)...si Jinggoy daw at si Daboi nagtatalo sa harap ko about a diet program na naging effective ke Jinggoy...tapos sabi ni Daboi, "sus Pare, effective yun kasi tumakbo ka sa SM Southmall na parking!".


Tapos pinilit ko na talaga yung big toe ko na gumalaw, para magising na ako. Baka mamaya lumabas pa si Dranreb Belleza lalo kong hindi kayanin.

Nag-declutter ako ng cabinet at pinamigay ko yung mga used clothes sa mga kapatid ko. Yung iba sa sobrang tagal na sa kabinet na hindi nasusuot, nag-amoy luma na. So we had those washed. Sinampay daw nila sa bakuran namin, pero nung hapon na, kulang na yung mga sinampay, ang nakakabilib pa, e alam nung mga kumag kung alin yung brnaded dun, kasi iniwan nila yung mga mumurahin ang brand.

Nakaka-miss magsulat sa LJ.

Nakaka-miss na sa dami ng reklamo ko sa buhay dati, halos dito lang talaga ako nagkakaroon ng outlet na magsermon.


Great find yung bagong Del Monte Kitchenomics recipes. Everyday I get to cook different ulam. Nung isang araw chicken curry, tapos kaldereta, afritada, menudo...ang happy!


Super antok nako, ipilit ba naman manuod ng Drag Me To Hell ng alas-6 ng gabi bago pumasok....I will be honda today, pagpatak ng 630am, I swear, tatakbo talaga ako agad palabas ng opisina. Kahit pa down ang firewall at pwedeng pwedeng mag-friendster at facebook hehehe.

 

Dec. 25th, 2008

Beckham's Back

(no subject)


Maligayang Pasko sa lahat!!!

Oct. 26th, 2008

Table for Two Please

(no subject)

Nung isang linggo nakuha ko na yung plaque ko for turning 5 years in the company. Eligible na ako na kumubra ng retirement pay hehe.

With the on-going economic crisis, nakakatakot na baka me mga accounts na mag-close. Yung usap-usapan nga namin, san kaya kami pupulutin if ever magsara yung account namin...o kaya kapag nanalo si Obama at i-order nyang wala na munang outsourcing sa US.

Tapos sabi nung isang friend ko s aoffice, yung Mom daw niya na nasa Kenya works for an organization na kelangan lagi ng mga volunteer workers sa Africa kaya anytime na mawalan kami ng work, pwede kami pumunta ng Africa.

Ang happy naman pala.

Kahapon, pumunta ako ng SMX to watch a friend's show for the Phil Fashion Week. Feeling namin ng mga friends ko napaka-underdressed namin for that event kasi kami lang yung naka-jeans and shirt. Sabi kasi nung bakla, casual daw, "pwedeng naka-Giordano lang"...nahiya tuloy yung isa kong friend nung nakita niya si Bo Parcon and si VJ Floresca ng Project Runway hehehe.

Sabi ng friend ko habang sinasamahan ko siya sa pila ng taxi pauwi..."malapit na pala anniv nung Glorietta bombing..me naalala ka nung mga time na to last year?"...sabay tawa ng nakakaloko.

Sa loob ng van, pauwi ng Las Pinas me pahabol pang text yung loko. Hindi daw niya ako titigilan hanggat hindi ako umaaray.

Ayokong umaray eh.

Hindi na ako marunong umaray.

Babalik na sa The Buzz si Kris Aquino. Yey!
Tags: , ,

Oct. 20th, 2008

Beckham's Back

(no subject)


My good friend Carrel left for Australia nung 18th. Nagbreakfast ang Beautiful Disasters sa bahay (nagluto ako ng tinola at adobo) para gunitain ang aming huling pagsasama na pansamantala lang naman kasi magkikita-kita pa rin naman kami sa mga susunod na panahon for sure.

Nung 16th naman, Ling and her hubby left for the British Virgin Islands. Bago yun, dumaan muna sila ng NY para bisitahin si Carina, my best bud. Sabi ni Ling, madumi daw ang streets ng NY. Pangit ang lasa ng mga pagkain. Yung request ko na bisitahin nya yung coffee shops na pinapakita sa SATC hindi niya na-enjoy kasi ordinaryo lang naman daw ang lasa ng mga pagkain. Na-enjoy lang talaga niya yung shopping. Traffic is even worse, me pic siyang pinakita na midnight na, me traffic pa rin. Sabi ko nga, baka naman sa Quiapo lang siya nagpunta.

Eniweys...nakabukas ang firewall namin sa office hehe. Kaya me post ako ngayon.
Kaya lang madaming supcalls. Nakakainis. Kaya end na muna ng kwento.

 

Previous 20

Advertisement

Customize